MY BLOG ENTRIES

Sunday, December 26, 2010

emoterang frog

Bakit ganoon
Noo'y hindi ko nadarama
Noo'y kaibigan lamang
Noo'y hindi ko nakikita
Noo'y masaya pa
Ngunit bakit biglang naiba?
At ngayon pag ika'y nakikitang kasama siya
Ang saya'y may poot na kasama
Alam kong hindi magtatagal
Ang pagsasamahang kinaiingatan
Pagka't tayo'y di para sa isa't isa
Nalalapit ang panahon, ako'y iyo ring iiwan
Pinipigilan ang damdamin
Pinipigilan ang puso
Pagtatapat ng pagibig di mo kailanman madidinig
Pagka't alam kong ako'y di para sa iyo
Handa mang ibigay ang lahat
Hinding hindi pa rin mapapantayan
Ang iyong mga hinahanap
Na sa kanya lamang natagpuan
Kaya't tahimik na lamang na magmamahal
Sa malayo na lamang magmamasid
Itatago na lamang ang mga luha
At sasarilihin ang pagibig.

No comments:

Post a Comment