MY BLOG ENTRIES

Sunday, December 26, 2010

saglit lang

Nakakabaliw!
Nakakainis!
Putangina .. ang sakit sakit!
Nakakaulul!
Nakakapagod!
Pait sa dibdib umaanod
Kailan matatapos
Kailan ang wakas
Ilang gabi pa ba?
Ilan pang bukas?
Itinapon na nga
Lahat ng iyong ala ala
Ngunit sa puso nandoon ka
Pati yun ba'y itatapon na?
Sinubukang kumawala
Sinubukan sa iba
Ngunit lahat sa kanila
Ikaw pa rin ang nakikita
Kaya't kahit mukhang tanga
Anu mang sabihin ng iba
Kahit gaano katagal
Heto pa rin ako't umaasa
Na may iba ka mang mahal
Sana'y kahit kaunti
Puso mo'y ipahiram sakin
Ng kahit sandali.

No comments:

Post a Comment