MY BLOG ENTRIES

Sunday, December 26, 2010

Tula para sa iyo

Pinipilit kong gumawa ng tula
At makabuo ng mga salitang makata
Nang sa gayo'y sa iyo'y mapadama
Masisidhing damdaming aking nadarama
Sinubukan ko ang pagkanta
Upang sa aki'y mapalapit ka
Ngunit wari'y sintunado, wala sa tono
Kaya't sa halip na mapamahal
Heto ako't bigo sa pagibig mo
Sa anong paraan kaya maaaring iparating
Ang aking kalooban at aking pagtingin
Kapag sinayawan kaya'y iyong pansinin?
Mahalin mo kaya kung sarili'y baguhin?
Ngunit paano ko ito maipararating sayo
KUng tuwing nakikita ka'y napipipi at nabobobo?
Natutulala sa iyong mga ngiti
Mga salitang sasabihi'y naiiwan saking mga labi
Higit pang pinahirap ng aking pagiging binibini
Dahilan kaya't damdami'y di masabi sabi
Kinakailangan bang ika'y aking hintayin pa
Na kusang lumapit at magtapat ng pagsinta?
Hindi ako marunong sumayaw at kumanta
Hindi ako marunong bumuo ng tula
Ngunit pagibig ko'y tunay, buo, at nagiisa
Sana'y malaman mo, ikaw lamang, wala nang iba pa...

No comments:

Post a Comment